Konsehal sinuspinde ng 60 araw sa sexual harassment

MANILA, Philippines — Suspendido ng 60 araw si Manila 4th District Councilor Ryan Ponce kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng Manila City Council sa reklamong sexual harassment noong Oktubre 9 ng kanyang kapwa konsehal na si 4th District Councilor Eunice Castro.
Ayon kay Manila Vice Mayor Chi Atienza, nagkaroon ng botohan at desisyon ang konseho ng Maynila nitong Huwebes na isuspinde si Ponce sa ilalim ng Resolution No. 39. Magsasagawa rin ng reorganisasyon sa mga committee kung saan miyembro si Ponce.
Nakasaad sa committee report, na may base han at katotoohanan ang alegasyon ni Castro at nararapat na papanagutin si Ponce sa kabila ng paghingi nito ng paumanhin sa kanyang inasal.
“Let this serve as a clear signal that this council takes its duties and ethical standards with seriousness and due process. This is also a reminder to everyone that this kind of complaint should not be taken lightly,” ani Atienza.
Nilinaw naman ni Councilor Jaybee Hizon, chairman ng Committee on Ethics na ang kanilang desisyon ay batay sa inilatag na ebidensiya mismo sa privilege speech ni Castro at isinagawang pagdinig.Matatandaang ibinunyag ni Castro ang mga sexual harassments na kanyang naranasan kay Ponce na hindi katanggap-tanggap sa isang konsehal.
- Latest

















