^

Metro

Quiboloy, isinugod sa ospital dahil sa pneumonia

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling isinugod sa ospital si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) matapos makaranas ng hirap sa paghinga.

Ayon sa pahayag ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson JSupt. Jayrex Bustinera, mabilis na tinugunan ng kanilang mga tauhan ang kalagayan ni Quiboloy, lalo’t dati na itong may dinaramdam.

Lumabas naman sa pagsusuri na mayroong Community Acquired Pneumonia (Moderate Risk) si Quiboloy subalit ngayon ay nasa stable ng kondisyon. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BJMP si Quiboloy kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya, kabilang ang human trafficking at sexual abuse.

Tiniyak ng BJMP na patuloy na mino-monitor ang kanyang kalagayan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng pastor habang nasa ilalim ng pangangalaga ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Bustinera na walang ibinibigay na espesyal na trato kay Quiboloy sa loob ng pasilidad, at ang lahat ng hakbang ay alinsunod sa standard medical protocols ng BJMP.

APOLLO QUIBOLOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with