18 huli sa QCPD Warrant Day Operations
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director PCol. Randy Glenn Silvio na tuluy-tuloy ang kanilang Warrant Day Operations matapos na madakip ang nasa 18 wanted persons nitong Biyernes na kinabibilangan ng 4 Top Most Wanted Persons (MWPs), 1 Most Wanted Person (MWP), at 13 Other Wanted Persons (OWPs).
Nadakma ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion (DMFB) sa pamumuno ni PLtCol. Edgar Batoon at San Andres MPS, Catanduanes PPO PRO5, ang No. 2 Provincial Level MWP ng Catanduanes PPO, na si alyas “John”, 23, ng Brgy. 789, Santa Ana, Manila bandang alas-6:30 ng gabi Topacio Street, Brgy. 882, San Andres Bukid, Manila. May Warrant of Arrest (WOA) ito sa kasong Rape by Sexual Assault and Acts of Lasciviousness na inisyu ng Branch 42, RTC, Virac, Catanduanes.
Sa Galas Police Station (PS 11) na pinamumunuan ni PLtCol. Joseph Dela Cruz, tiklo ang No. 8 MWP na si alyas “Norman”, 61, sa kanyang bahay sa Brgy. Baler, Quezon City bunsod ng kasong Frustrated Murder na insyu ng Branch 77, RTC, Quezon City habang binitbit din ng Project 6 Police Station (PS 15) ni PLtCol. Roldante Sarmiento si alyas “Jing Rose”, 38 na No. 2 MWP sa kanyang bahay SsaBrgy. Malaya, Quezon City dahil sa 23 counts ng paglabag sa B.P. 22 at natunton naman sa sa New Bilibid Prison, Brgy. Poblacion, Muntinlupa City ang No. 1 MWP, na si alyas “Keith Russel”, 30, sa kasong Rape.
Lumilitaw na si Keith Russel ay may nakabinbin pang kaso ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) noong Nobyembre 2022 at R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) nitong Marso 2025.
Samantala, ang District Anti-Carnapping Unit (DACU), Talipapa Police Station (PS 3) at Cubao Police Station (PS 7) ay nakapagtala ng tig-2 huli habang ang Masambong Police Station (PS 2), Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), La Loma Police Station (PS 1), Novaliches Police Station (PS 4), Fairview Police Station (PS 5), Batasan Police Station (PS 6), Anonas Police Station (PS 9), at Kamuning Police Station (PS 10) ay nakapagtala ng tig-1 huli.
“Tandaan po natin na sa ilalim ng pamumuno ni Acting Chief, PNP, PLtGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. at gabay ni Regional Director, NCRPO, PMGen. Anthony Aberin, ang tanging hangarin ng inyong kapulisan ay tiyakin ang inyong kaligtasan laban sa anumang kriminalidad, at patuloy na magsilbi bilang inyong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad,” ani Silvio.
- Latest



















