^

Metro

Ex-District Engineer ng Bulacan itinangging bahagi ng ‘Guni-Guni Projects’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Ex-District Engineer ng Bulacan itinangging bahagi ng ‘Guni-Guni Projects’
Former Bulacan 1st District Engineering Office chief Engr. Henry Alcantara on September 1, 2025
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nilinaw ni dating Bulacan District Engineer Henry Alcantara na hindi siya bahagi ng anumang ghost projects na iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee at ng kongreso.

Ayon kay Alcantara, kung mayroon man siyang pagkakasala, ito ay ang naging pagkukulang niya at pagtitiwala sa kanyang mga dating tauhan noong siya pa ang DE ng Bulacan.

Sinabi ni Alcantara na matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos noong July 28 na tumukoy sa mga “guni-guni projects”, kaagad niyang ipinatawag ang kanyang Assistant DE na si Brice Ericson Hernandez at ang iba pang opisyal upang magsagawa ng imbentaryo sa kanilang mga naging proyekto.

“Ang una kong sinabi sa kanila, baka may mga kulang sa sukat na project, halimbawa kung 500 meters, dapat eksakto yun sa sukat. Pati ang kalidad ng proyekto pinatingnan ko matapos ang SONA ni Presidente. Wala pa akong idea na may mga ghost projects sa aming area of responsibility,” sabi pa ni Alcantara.

Dahil sa ipinagawa niyang project inventory, doon na pa lang niya nadiskubre na may mga guni-guning proyekto na kagagawan ng kanyang mga dating tauhan.

“Isinusumpa ko sa harap ng aking pamilya, hindi ako kailanman naging bahagi ng mga guni-guni projects. Inaamin kong nagkaroon ako ng pagkukulang at masyadong nagtiwala sa aking mga tauhan subalit kailanman ay hindi ko iyon kukunsintihin kung nalaman ko lang agad,” sabi pa ni Alcantara.

BULACAN

ENGINEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with