Fajardo tanggal bilang PNP Spokesperson – Nartatez

MANILA, Philippines — Tinanggal na ni Philippine National Police (PNP) Acting Chief LtGen. Jose Melecio Nartatez si PBGen. Jean Fajardo bilang PNP spokesperson kasabay ng pahayag na pangangasiwaan na ito ng Public Information Office (PIO).
Si Fajardo ang kasalukyang Directorate for Comptrollership.
Dapat lamang aniya na manggaling ang spokesperson sa PIO na pinamumunan ni PBGen. Randulf Tuaño. Ikinokonsidera pa rin ni Nartatez ang pananatili ni Tuaño sa puwesto.
Ayon kay Nartatez, maaari rin namang manggaling sa kanya ang impormasyon o balita.
“The PIO is here. He is handling the repository of reports and preparing them for the public,” ani Nartatez.
Tinanggap naman ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang desisyon ni Nartatez na alisin si Fajardo bilang PNP Spokesperson.
Giit ng NAPOLCOM, indikasyon ito ng pagbibigay ng kahalagahan sa pagsasaayos at pagtutuwid ng mga proseso sa loob ng organisasyon.
- Latest















