^

Metro

2 pulis isinailalim sa preventive custody

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

‘Aleng Pulis’ minolestiya

MANILA, Philippines — Dalawang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) ang dinisarmahan at isinailalim sa restrictive custody makaraang ireklamo ng pangmomolestiya ng policewoman sa Marikina City.

Batay sa blotter entry, ang mga suspek na may ranggong Staff Sergeant, 33, at Patrolman, 26, ay inireklamo ng 27-anyos na dalagang pulis ng pangmomolestiya na nangyari noong Agosto 17, 2025 sa loob ng mobile car sa Jogging Lanes, Libis, Brgy. Sto. Nino, Marikina City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaposte sa Cityhood Park ng Brgy. Sto. Niño alas-8:30 ng gabi ang biktima nang dumating ang dalawang suspek at pilit siyang inimbitahang magkape.

Sa una ay tumanggi ang biktima dahil hindi niya pwedeng abandonahin ang puwesto at malapit na ang inspection o Daily PNP Personnel Accounting Report (DPPAR).

Ngunit sa kapipilit ng mga suspek, napilitan na ring sumama ang biktima sa pangako ng isa sa dalawang pulis na agad na babalik matapos magkape sa isang convenience store.

Mula sa convience store ay minaneho ni “PSSg” ang mobile car patungo sa madilim na bahagi ng jogging lanes, nagbukas ng alak at pinilit pinainom ang biktima.

Dito ay sinabihan ni PSSg ang biktima na ubusin ang alak upang makabalik na sa puwesto. Nang hindi maubos ang alak, tinabihan na ang biktima ng dalawang pulis at saka siya minolestya.

Iniimbestigahan na ang insidente habang inilipat ng assignment ang lady cop.

EPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with