^

Metro

Chinese Consul timbog sa fake identity

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese Consul timbog sa fake identity
Kinumpirma ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pagdakip ng frontline immigration officers sa isang Chen Zhong Zhen, nang dumating sa bansa sakay ng Cathay Pacific flight mula Hong Kong.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ­elemento ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 60-anyos na negosyanteng Chinese national paglapag pa lamang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Agosto 21 dahilan sa paggamit ng pekeng Philippine passports at iba pang dokumento sa pagpapanggap nitong isang Pinoy.

Kinumpirma ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pagdakip ng frontline immigration officers sa isang Chen Zhong Zhen, nang dumating sa bansa sakay ng Cathay Pacific flight mula Hong Kong.

Ayon sa opisyal ,target si Zhen sa isang mission order at imbestigasyon ng BI matapos matanggap ang tip mula sa government intelligence sources hinggil sa katulad na pagkakaroon niya ng Philippine documents, na iligal ang proseso tulad ng kay dating Bamban Mayor Alice Guo.

Nabatid na may 3 taon ng gumagamit  si Zhen ng Philippine passport at mayroon din itong mga Philippine identity cards subalit nakumpirma ng Alien Registration Division na tumugma ang kanyang mga fingerprint sa isang Chinese citizen, na dati nang may hawak na long-term visa at Alien Certificate Registration.

Dati na rin nagkaroon ng kaso kaugnay sa pagpalsipika ng dokumento si Zhen bagamat ibinasura lang dahil sa kawalan umano ng sapat na ebidensiya.

Sa impormasyon ng BI, nagmamay-ari umano si Zhen ng 30 mining companies at kasapi ng iba’t-ibang economic and business groups, bukod pa sa pagiging honorary consul sa Davao at isa pang bansa sa Asya. Kasalukuyan nang nakapiit sa BI holding facility sa Bicutan ang nasabing dayuhan na mahaharap sa deportation case bunsod ng misinterpretasyon.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with