3 lugar nasa ‘danger’ heat index — Pagasa

MANILA, Philippines — Nagtala ng “danger” heat index ang Pasay City, Isabela at Cavite area kahapon. Ayon sa Pagasa, nasa 44 degrees celcius ang Ninoy Aquino International Airport (Naia) station sa Pasay City gayundin ang Echague, Isabela at Sangley Point sa Cavite kahapon na nasa ilalim ng “danger category.”
Simula noong April 10, ay nasa danger level heat index ang naitatala sa Pasay. Ang heat index o init factor sa katawan na mula 42 degrees Celsius hanggang 51 degrees Celsius na nasa ilalim ng heat index “danger” category ay mnaaaring magresulta ng heat cramps at heat exhaustion o maaaring maging ugat ng heat stroke kapag ang isang tao ay patuloy na ma-exposed sa init ng araw.
- Latest