P28.7 milyong misdeclared na asukal, kinumpiska ng BOC
MANILA, Philippines — Kinumpiska ng Bureau of Custom (BOC) ang nasa P28.72 milyong halaga ng imported na asukal na idineklarang “sweet mixed powder” matapos ang inspeksyon sa 14 na 20-foot container van sa Port of Subic nitong Huwebes.
Nadiskubre sa pisikal na inspeksyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS)–Port of Subic na pinangunahan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na asukal mula sa Dong Nai Province, Vietnam, ang nakadeklarang sweet mixed powder.
Sa pagsusuri sa laboratory, sa pakikipagtulungan ng Sugar Regulatory Administration (SRA) natuklasan sa mga sample ang sucrose content na lagpas sa 65 porsyento, taliwas sa deklarasyon.
Ang mga natuklasang ito ay bumubuo ng mga paglabag sa SRA Sugar Order No. 7, S. 2003–2004; SRA at BOC Joint Memorandum Order No. 04-2002; at Seksyon 1400 at 1113 (f)(k) 1, 4, at 5 ng Republic Act 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Sec. 7 (a) at (e) ng Anti-Agricultural Sabotage Act.
- Latest
















