P8.3 billion revenues nakolekta ng LTO

MANILA, Philippines — Nakalikom ang Land Transportation Office (LTO) nang may P8.3 billion sa unang quarter ng taong 2025.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, ang mataas na revenue collection ay dulot ng strategic policy implementation, maayos na transaksyon at masigasig na pagpapatupad ng road safety rules and regulations.
“Malaki ang revenue target ng LTO ngayong taon at hindi naman ito basta na lang napag-isipan dahil naniniwala kami na kayang-kaya namin itong ma-achieve,” sabi ni Mendoza.
Aniya nagtakda ang LTO ng P34 billion bilang revenue target para ngayong taong 2025 at inaasahang malalampasan pa ito pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Pinasalataman naman ni Mendoza ang mga tauhan dahil sa sipag sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
- Latest