Presidential Lingkod Bayan Award, nasungkit ni Quezon City Mayor Joy

MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon, muling kinilala si Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang Regional Awardee ng Presidential Lingkod Bayan Award para sa 2025 Search for Outstanding Government Workers Honor Awards Program (HAP) ng Civil Service Commission (CSC).
Ang nasabing patimpalak ay muling nasungkit ni Belmonte bunga ng good governance sa magandang performance nito na isinusulong ng alkalde sa lungsod.
Makailang beses na ring nakatanggap ng pagkilala si Belmonte nang gawaran ng Pambansang Natatanging Alkalde-Saludo Exellence Award at Pinakanatatanging Alkalde ng Asya ng Idol Chronicle Awards 2024 at Natatatanging Tagapaglingkod na ipinagkaloob ng RP Mission and Development Foundation Inc. Kinilala rin bilang Best Mayor ng NCR si Mayor Belmonte sa nagdaang Quezon City Journalists Group Inc. Media Awards dahil sa sipag at tapat na paglilingkod at pamumuno sa lungsod Quezon.
Samantalang tumanggap din si Belmonte ng Visionary vanguard Award mula sa Seagulls Flock Organization dahil sa adbokasiya na isulong ang programang tumutugon sa mental health recovery at inclusive Community Development sa QC. Outstanding leader din si Mayor Belmonte at nakakuha ng apat na taong unqualified audit opinion mula sa Commission on Audit-highest Audit rating at apat na beses na nakakuha ng SGLG award at back-to-back winner sa CSC awards bilang pinaka mahusay na alkalde sa Pilipinas –Gawad Pilipino Award.
Nagpasalamat naman si Belmonte sa mga parangal na natanggap at nagsabing ito ay bunga ng mga pagsisikap ng tanggapan para sa isang malusog at maunlad na pamayanan ng QC bunga na rin sa suportang ipinagkakaloob sa lokal na pamahalaan ng QCitizens.
- Latest