Higit P1 rollback kada litro bng petrolyo sa susunod na lingo
MANILA, Philippines — Bahagyang gagaan ang gastusin ng mga motorista sa susunod na linggo kasunod ng higit P1 rollback sa kada litro ng mga produktong petrolyo sa Martes.
Sa abiso ng mga kompanya ng langis, aabutin ng P1.40 hanggang P1.70 per liter ang bawas presyo sa gasolina, nasa 90 sentimos hanggang P1.20 per liter naman ang bawas presyo sa diesel at aabutin ng mula P1.50 hanggang P1.70 per liter ang tapyas sa presyo ng kerosene.
Sinasabing ang nagdaang apat na araw na bentahan ng petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price rollback.
- Latest

















