MRT-3 ‘di magtataas ng pamasahe
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Oscar Bongon na walang pagtaas ng pamasahe para sa kanilang transport system para sa taong ito.
Ang paniniyak ay ginawa ni Bongon kasabay ng pahayag na regulated ng DOTr ang pamasahe kaya hindi magkakaroon ng pagtataas sa pamasahe.
“Sa ngayon po, siyempre for the year, it will not happen and maybe the next one or two years. pa. Kasi po regulated naman po ng DOTr iyan,” ani Bongon.
Wala rin aniyang petisyon ang MRT-3 for fare hike at wala naman silang obligasyon na gawin ito.
Samantala, target aniya ng MRT-3 na mag-operate mula sa three-car hanggang four-car train sets sa darating na Hunyo habang inaabangan nila ang pagkumpleto ng kanilang pocket track extension sa Taft Avenue at sa North Avenue turn-back facility.
“So, meaning from three-car to four-car train in its trip would be able to increase the capacity by 33%. So iyan po iyong expected natin, once we operated a four-car train,” aniya pa.
- Latest