^

PSN Showbiz

Rico, mas lumungkot ang bagong taon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rico, mas lumungkot ang bagong taon
Rico at Sylvian

Malungkot ang bagong taon ng singer-songwriter na si Rico Blanco sa pagkamatay ng alaga niyang aso na si Sylvian.

Ipinost ni Rico ang malungkot na balita tungkol sa kanyang fur baby sa social media kasama ng mensahe niya para roon na may caption na “Run free now, dearest Sylvian. My baby, my buddy, my joy.”

Nagpasalamat siya at sinabi niyang mahal na mahal niya si “sylvie boy.”

Marami ang nalungkot sa pagpanaw ni Sylvian lalo na ang mga nakasubaybay sa vlogs at posts ni Rico kung saan kasama niya ito.

Nanghinayang nga sila dahil ito raw ang pinaka-trained dog na nakita nila dahil napakabait daw nito.

Naka-relate rin ang maraming fur parents dahil iba raw talaga ang pakiramdam na mamatayan ng fur baby dahil para ka ring namatayan ng pamilya.

Nakita rin kasi nila kung gaano kamahal ni Rico si Sylvian kaya alam nilang malaking kawalan ito sa kanya.

Ito nga raw ang kinatatakutan ng mga fur parent, ang mawala ang fur baby nila. Kaya mas doble pa raw ang sakit kay Rico lalo na at bagong taon pa.

Mukhang hindi nga raw masyadong maganda ang taong 2024 kay Rico dahil maaalalang naghiwalay sila ng ex niyang aktres na si Maris Racal at sumabog pa ang kontrobersiya sa kanila ng ka-loveteam na si Anthony Jennings.

Si Sylvian nga rin siguro ang naging sandalan niya nang magkahiwalay sila ng ex.

Pero sey nga ng ibang fur parent ay mas masakit talaga ang mawalan ng alagang aso kesa sa karelasyon dahil mas pure at genuine love ito.

Ganun. Well, relate much ako sa ganyan dahil hanggang ngayon marami pa rin akong aso pero pinaka-favorite ko si Jokjok na favorite ang steak. Hahaha.

RICO BLANCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with