^

Metro

Caloocan LGU tinanggap ika-8 SGLG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang tinanggap ng Caloocan City sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang ika-8 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang SGLG ay pagkilala  sa mga LGUs sa kanilang pamamahala kabilang ang financial housekeeping, disaster preparedness, business competitiveness, proteksyong panlipunan, at kaligtasan ng publiko.

Nabatid na ang Caloocan LGU ay isa lamang  sa dalawang LGU na nakatanggap ng walong magkakasunod na parangal simula nang ipatupaf ng DILG ang nasabing programa.

Kasabay nito, lubos naman ang pasasalamat at pagbati ni Malapitan sa kanyang mga kasamahan at kawani ng city hall.

“Ang  SGLG ay patunay  ng ating maayos, tapat, progresibo, at taos-pusong paglilingkod sa mga Batang Kankaloo, kaya naman alay po naming lahat sa inyo ang parangal na ito,”  ani Malapitan.

Tiniyak ni Malapitan na magsisilbing inspirasyon sa kanila ang SGLG upang pag-iba­yuhin pa ang pagseserbisyo sa lungsod.

DILG

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with