^

Metro

Driver na sangkot sa Katipunan accident ‘no show’ sa LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigong humarap sa Land Transportation Office (LTO) ang driver ng trak na umararo ng mga sasakyan sa Katipunan flyover sa Quezon City na nagresulta ng pagkamatay ng 4 katao at pagkasugat ng higit 20 katao nitong Disyembre 5.

Tanging ang abogado lamang ng may-ari ng truck ang nagpunta sa LTO. Hindi dumalo si Richard Mangupag dahil hindi nakakuha ng clearance para sumalang sa hea­ring ng ahensiya. Si Mangupag ay nakakulong pa rin sa QCPD.

Nais sanang malaman ng LTO kung bakit nasangkot sa madugong aksidente ang trak na minamaneho ni Mangupag sa naturang lugar.

Sa hearing ng LTO, lumabas na tatlong beses nahuli si Mangupag sa kasong overloading na nagkakarga ng asukal Disyembre 2021, Enero 2022 at Disyembre 2023.

Inoobliga naman ng LTO ang may-ari ng truck na dumalo sa pagdinig sa Biyernes.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with