Kelot, timbog sa pinatuyong dahon ng marijuana
MANILA, Philippines — Dinakip ng mga pulis ang isang lalaki matapos na makuhanan ng mga pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang Oplan Galugad sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos Police Station 7 (PS-7) ala-1:45 ng madaling araw nang maganap ang pag-aresto kay “ Steven”, 29, ng Tondo, Maynila sa Jose Abad Santos St., kanto ng Hermosa St. sa Tondo.
Nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga awtoridad sa lugar nang mahulihan ang suspek ng walong piraso ng plastic cling wrap at isang small heat sealed plastic sachet na pawang hinihinalang naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, na nakalagay sa isang sling bag.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa 470 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska mula sa suspek, na nagkakahalaga ng P56,000.
Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest