^

Metro

Delivery van driver naipit sa karambola ng 6 sasakyan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Delivery van driver naipit sa karambola ng 6 sasakyan
A vehicular accident involving multiple vehicles caused traffic along the northbound side of Osmeña Highway in Makati on November 6, 2024
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isang driver ng delivery van ang namatay nang maipit ang minamaneho nito sa karambola ng mga sasakyan, sa panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Roxas St., northbound, Makati City, madaling araw ng Miyerkules.

Kinumpirma ng isang alyas “Elmer” na kasama niya sa trabaho ang nasawing 36-anyos na driver.

Sa ulat, alas-12:55 ng madaling araw kahapon Nobyembre 6, 2024 nang masangkot sa karambola ang anim na sasakyan na kinabibila­ngan ng isang 16-wheeler trailer truck, isang L-300 van, isang tanker, isang luxury SUV, at 2 pang kotse.

Apat naman ang iniulat na sugatan sa pangyayari.

Pinagtulungang alisin ng rescue team ang driver na naipit sa kaniyang sasakyan.

Dumating sa pinangyarihan ang pinsan ng biktima na nakipag-­video call sa pamilya ng nasawi upang ipaalam ang pangyayari.

Nagdulot din ng pagsisikip ng trapiko ang insidente sa mga patu­ngong Maynila.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng insidente.

OSMEñA HIGHWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with