^

Metro

IACAT itinanggi partisipasyon sa raid sa scam hub sa Maynila

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO)  Director PMGen. Sidney Hernia na  kasama  ang  Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa  operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) laban sa tinawag na ‘mother of all scam hubs’ noong nakaraang Linggo sa Ermita, Manila.

Ayon kay Hernia, hindi human trafficking operation ang isinagawa kaya hindi sangkot sa raid ang  IACAT.

“To clarify recent reports, the operation at what has been referred to as the ‘mother of all scam hubs’ in Ermita, Manila, was led by the Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) and focused strictly on executing ­cyber warrants to counter cybercriminal activities” ani Hernia.

Nilinaw din niya na ang pagkakatuklas sa mga dayuhang dinatnan sa site ay nagkataon lamang dahil ang pokus ng operasyon ay pagpapatupad ng cyber warrants upang sugpuin ang cybercriminal activities.

Wala rin aniya, na pananagutan ang Bureau of Immigration (BI) sa kasunod na pagpapalaya sa mga dayuhang inaresto dahil isinagawa ito alinsunod lamang sa judicial process kaugnay sa pagpapatupad ng cybercrime.

NCPRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with