2 dayuhan timbog sa P4.1 milyong pekeng pera
MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dalawang dayuhan matapos na makuhanan ng pekeng pera na umaabot sa P4.1 milyon nitong Huwebes sa Mandaluyong City.
Batay sa report na tinanggap ni NCRPO chief PMGen. Sidney Hernia, kinilala ang mga suspek na sina Marcel Wenong Tezock, 40, Cameroonian national, at live-in partner na si Kuhle Nkomo, 25, Zimbabwean national; kapwa nanunuluyan sa Acqua Residences Condominium sa Mandaluyong City.
Ayon kay Hernia, dinakip ang mga suspek bandang alas-2 ng hapon nitong Huwebes sa kanilang condominium. Magsisilbi lang ng warrant of arrest ang mga pulis laban kay Tezock batay sa inisyu ng MeTC Branch 65, Makati City noong Abril 8, 2024 sa kasong Estafa, pero nagulat sila nang bumulaga ang mga nakatali at pekeng US dollar bills at Philippine peso na nasa ibabaw ng microwave oven at kitchen cabinet. Nang inspeksiyunin ng mga pulis, nakita ang mga printed sheet ng mga bills.
- Latest