2 dayuhan huli sa pagbebenta ng unregistered drugs
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang dayuhan na sina Li Ming, kahera ng Baima Hui Life Supermarket (Baima) at Sun Zhen Fu , warehouseman ng Baima sa Parañaque City sa ikinasang operasyon sa naturang pamilihan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ang pagkakahuli sa dalawa ay batay sa natanggap na reklamo ng NBI na may bentahan ng unregistered drugs sa naturang supermarket.
Dito nakumpirma ng NBI na ang Baima ay nagbebenta ng mga gamot at iba pang pharmaceutical products na walang permit at lisensiya mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ang dalawang suspek ay kinasuhan na ng paglabag sa Illegal Sale of Medicine ng R.A. No. 3720 at Illegal Dispensing/Sale of Pharmaceutical Products ng R.A. No. 10918 o Philippine Pharmacy Act.
- Latest