Premature baby inabandona sa gilid ng kalsada, natepok
MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isang premature baby nang abandonahin sa gilid ng kalye ng kanyang walang pusong ina sa Ermita, Manila kamakalawa.
Inilarawan ang sanggol na isang lalaki, at tinatayang nasa 33 linggong gulang pa lamang nang mailuwal ng kanyang ina.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ng dalawang bata ang sanggol sa gilid ng Taft Avenue, kanto ng Pedro Gil St. sa Ermita kaya’t inimpormahan ang mga awtoridad.
Kaagad namang dinala ang sanggol sa “Home for Angels” sa 2337 Ruby St., San Andres Bukid, Manila upang paalagaan doon. Gayunman, habang inaasikaso ang sanggol, napuna umano ni Christina Balboa, staff ng Home for the Angels, na namumutla ito at tila nanghihina.
Kaagad nilang isinugod ang sanggol sa Ospital ng Maynila ngunit idineklarang dead-on-arrival na.
Inaalam na ng pulisya kung sino ang nag-iwan ng sanggol sa kalsada upang mapanagot sa kanyang ginawa.
- Latest