^

Metro

Mag-asawa ‘guilty’ sa panggagahasa sa sariling anak

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Hatol pinagtibay ng Supreme Court

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng mababang hukuman na nagsasaad na guilty ang isang mag-asawa sa salang panggagahasa sa sariling anak na dalagita.

Sa 14-pahinang desisyon, ibinasura rin ng Supreme Court (SC) Second Division ang apela ng mga magulang ng 14-anyos na biktima at sa halip ay pinagtibay ang hatol sa kanilang hatol na reclusion perpetua o hanggang 40 toang pagkabilanggo nang walang eligibility ng parole.

Inatasan din sila ng hukuman na magbayad sa biktima ng P100,000 bilang civil indemnity, P100,000 moral da­mages, at P100,000 exem­plary damages, na lahat ay may interest rate na 6% per annum mula sa petsa kung kailan naisapinal ang desisyon hanggang sa tuluyan itong mabayaran.

Sa desisyon ng SC, iginiit nito na ang “inces­tuous rape” ay hindi isang simpleng criminal offense na madaling i-fabricate, partikular na anila sa nasabing kaso kung saan ang dalawang magulang mismo ang akusado.

“The humiliation of a trial and life-long stigmatization will surely take a toll on the victim and her family,” dagdag pa ng hukuman.

Nabatid na nagsabwatan ang mga akusado upang gahasain ang sari­ling anak pero kapwa nila itinanggi ang akusasyon.

Unang nagdesisyon ang mababang hukuman pabor sa biktima, sanhi upang iapela ito sa Court of Appeals (CA). Pinagtibay naman ng CA ang nasabing desisyon kaya’t iniapela pa rin ng mag-asawa sa Mataas na Hukuman na huling naglabas ng pinal na desisyon.

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with