^

Metro

70 baboy na may ASF, naharang sa Quezon City

Angie dela Cruz, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Naharang ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Philippine National Police (PNP) sa checkpoint sa Mindanao Ave­nue, Quezon City ang nasa 70 baboy na kinakitaan ng sintomas ng African Swine Fever (ASF).

Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang 70 baboy na sakay ng truck ay agad na kinumpiska matapos mapansing may mga sintomas ng ASF ang ilan sa mga ito.

Nakumpirma ang pagkakaroon ng ASF sa mga baboy matapos ang isinagawang pagsusuri at nakatakda itong i-cull o patayin ngayong araw.

Ang naturang opera­syon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng BAI at PNP laban sa pagkalat ng ASF sa bansa.

Lumilitaw sa datos na halos 500 baboy na may ASF na ang naharang ng BAI sa iba’t ibang checkpoint sa buong bansa simula noong Agosto.

ASF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with