^

Metro

Negosyanteng makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mayoralty race “ginigipit”

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Negosyanteng makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mayoralty race âginigipitâ
In this July 16, 2019 photo, Pasic Mayor Vico Sotto attends the vaccination campaign of the Department of Health at Pasig City Elementary School.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang filing ng Certificate of Candidacy (COC), nakaranas umano ng panggigipit mula sa kampo ni re-electionist Ma­yor Vico Sotto ang isang negosyante sa Pasig City na nagpahayag ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa susunod na taon.

Ayon kay Curlee Discaya, contractor at may-ari ng Quadruple A builder na St. Gerrard Construction, tatlong kasong kriminal ang umano’y halos sabay-sabay na inihain sa piskalya ng lungsod nitong nakaraang dalawang linggo.

Aniya, Agosto 13, 2024 nang sampahan siya ng tatlong reklamong paglabag sa National Building Code sa piskalya dahil wala umanong building permit at occupancy permit ang tatlong gusaling ipinatayo nito sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Subalit Setyembre 10, 2024 nang lumabas ang resolusyon ng piskalya na nag-abswelto kay Discaya sa 2 reklamo ng paglabag, habang pinagpiyansa naman ng P24,000 sa dalawang kaso dahil sa kawalan naman umano ng occupancy permit.

Sa isa pang hiwalay na reklamo, abswelto rin si Discaya sa reklamong walang building permit bagamat may pananagutan sa kawalan ng occupancy permit, batay sa ipinalabas na resolusyon ni Prosecutor Maria Margarita Aspe noong Setyembre 11, 2024.

Nabatid na ang maybahay ni Curlee na si Sarah Discaya ay nakatakdang maghain ng COC para sa 2025 ma­yoral race.

Ani Discaya, sumulat siya sa alkalde noong Hulyo 17, 2024 para ire-consider ang P9.6 bilyong proyekto ng lungsod para sa bagong city hall at babaan ang budget nito makatipid at magamit ang pondo sa mga proyektong higit na kailangan ng Pasigueños.

Subalit notice of violation na halaw sa report ng building inspector na hindi naman nag-inspection ang ibinigay sa kanila.

VICO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with