Rally sa ika-52 anibersaryo ng Martial Law nagkatensiyon
MANILA, Philippines — Nauwi sa tulakan at balyahan ang pagdaraos ng ika-52 anibersaryo ng Martial Law sa Maynila, kahapon.
Dahil ito sa pagpupumilit ng mga raliyista na makapasok sa Mendiola Bridge subalit hinadlangan sila ng mga pulis na nakabarikada.
Nagmula umano sa España Avenue, sa may UST ang mga nagkikilos protesta.
Ang Proclamation 1081 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong Setyembre 21, 1972 ay ang pagsasailalim sa Pilipinas sa martial law.
Batay sa datos ng Manila Police District-Police Station 14 (Barbosa), nagsimula ang programa ng mga raliyista sa Recto Avenue panulukan ng San Sebastian S., harap ng KFC alas-10:24 at nagtapos alas-12:44 ng hapon
Kabilang sa dumalong grupo ang BAYAN, KMU, Migrante, Bunyog, Karapatan, Head, Selda, Anak bayan. EPAK, Yakap, Kilos Ng Mangagagawa , KMP, AMBALA, ACT, SAN LAKAS, KA-Tribu, Bayan Muna, Kadamay, LFS .
Umabot sa humigit kumulang 700 ang mga lumahok sa rally.
Iginigiit nila ang mga mensaheng taas-sahod, lupa hindi bala, makibaka para sa tunay na Karapatan, sahod itama gawing makabuhay, stop red tagging, junk terror law, at Marcos hitler diktador.
- Latest