^

Metro

Sine Sigla sa Singkwenta at mural sa EDSA, inilunsad sa 50th anniversary ng MMFF

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Sine Sigla sa Singkwenta at mural sa EDSA, inilunsad sa 50th anniversary ng MMFF
Photo by Miguel Antonio de Guzman

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inilunsad kahapon ang Sine Sigla sa Singkwenta at ang mural sa bahagi ng EDSA Quezon City.

Layon ng proyekto na bigyang parangal ang mayamang kasaysayan ng MMFF habang hinihikayat ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng pelikulang Pilipino.

Sa pamamagitan ng “Sine Sigla sa Singkwenta” ng MMFF, maaaring mapanood ng publiko ang mga iconic na pelikula mula sa nakalipas na 50 taon ng MMFF sa halagang P50 lamang.

May kabuuang 50 pelikula mula sa iba’t ibang genre ang ipapalabas sa mga piling sinehan sa buong bansa mula September 25 hanggang October 15.

Inanunsyo ng pamunuan ng MMFF na tingnan lamang sa kanilang FB page ang takdang araw ng pelikula at impormasyon tungkol sa mga kalahok na sinehan na magpapalabas ng naturang mga pelikula.

Ayon naman kay MMDA Acting Chairman at MMFF Overall Concurrent Chairman Atty. Don Artes, la­yon ng inisyatibong ito na kilalanin ang mga dekada ng kontribu­syon ng MMFF sa industriya ng pelikulang Pilipino at ipagdiwang ang evolution ng mga pelikula ng MMFF sa paglipas ng mga taon.

Samantala, inilunsad din ng MMFF ang “Sine Sigla sa Singkwenta” mural sa EDSA na katatampukan ng mga hang-painted na mukha ng mga icon ng pelikulang Pilipino tulad nina Dolphy, Eddie Garcia, Gloria Romero, Nora Aunor, Vilma Santos, at iba pa.

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with