^

Metro

Bebot huli sa P340K shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Tagumpay ang pagsisilbi ng search warrant ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Muntinlupa City Police Station sa isang high value individual (HVI) na babae matapos masamsam sa kaniyang pag-iingat ang nasa 50 gramo ng shabu na May katumbas na halaga na P340,000.00, sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Kinilala sa alyas na “Janette”, 50, ang dinakip sa pamamagitan ng Search Warrant sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na inisyu ni Judge Myra B. Quiam­bao, ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Sa pangunguna ni P/Captain Jospeh Rosit, nadakip ang pakay na si Janette, alas-6:07 ng umaga kahapon sa may National Road, Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with