‘Task Force mpox’ binuo ng Quezon City -LGU
MANILA, Philippines — Matapos na makapagtala ng kauna-unahang kaso ng monkeypox o mpox, bumuo na ng “Task Force mpox” ang pamahalaang lungsod ng Quezon.
Ang Task Force mpox ay binubuo ng iba’t ibang departamento at tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, isang 37-anyos na lalaki ang nagpakita ng sintomas ng mpox noong Agosto 16 at kasalukuyan nang naka-admit sa San Lazaro Hospital.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte matapos masuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang specimen ng pasyente, lumitaw na positibo ito sa nasabing sakit.
Natukoy na rin ang 15 contacts ng pasyente at patuloy nang mino-monitor ng lokal na pamahalaan.
Payo rin ng local government na maging maingat at laging malinis sa katawan.
- Latest