Hapones dawit sa kasong panloloko, money laundering, ipadedeport ng BI
MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nakatakdang ipa-deport ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa Tokyo dahil sa kasong panloloko at money laundering.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naaresto ang 37-anyos na si Hiroyuki Kawasaki sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kamakailan habang papasakay na siya sa flight papuntang Singapore.
Sinabi ni Tansingco na nagkaroon ng positibong hit si Kawasaki sa derogatory check system ng Interpol ng BI habang pinoproseso siya ng isang immigration officer, kaya’t agad itong itinuro sa kanyang mga nakatataas para sa karagdagang pagsusuri.
Ang mga supervisor ng BI ay agad na pinatunayan ang pagkakakilanlanng pasahero sa pamamagitan ng Interpol unit ng bureau.
- Latest