P5.1 milyong illegal vape products samsam sa raid
MANILA, Philippines — Dalawang establisyemento ang sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Southern Police District-Special Operations Unit (SPD-SOU) at ang Department of Trade and Industry-Fair Trade Enforcement Bureau (DTI-FTEB) na nasamsaman ng mahigit P5-milyong halaga ng iligal na vape products, nitong Martes, sa Pasay City.
Sa ulat, dakong alas- 8:00 ng gabi ng Hulyo 16, 2024 nang isagawa ang raid sa isang tindahan sa J. Silva corner Aurora St., habang isa pang establisimyento ang sinalakay rin sa Barangay 102, Pasay City
Ang joint operation ay resulta ng malawakang case build-up at surveillance ng DTI-FTEB at DSOU-SPD.
Sa operasyon, nagsagawa ng inventory ang DTI-FTEB at nakumpiska ang 9,359 piraso ng iba’t ibang flavor/variant ng Flava vape products bilang ebidensya na may kabuuang tinatayang market value na ?5,147,450.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11900, Section 9, o pagbebenta ng vape products, at Department Administrative Order No. 22-16, Series of 2022, Rule 6, Section 1(j), ang mga nagmamay-ari ng mga nasamsam na illegal vape products.
- Latest