^

Metro

Tondo shootout: 2 suspect todas, 4 pulis sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tondo shootout: 2 suspect todas, 4 pulis sugatan
Dead on the spot ang mga suspek na sina Archie Juco alyas “RJ”, at isang alyas Macmac dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaking miyembro ng notoryosong “Alcantara Criminal Group” habang sugatan naman ang apat na pulis-Maynila matapos na mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi sana nila ng warrant of arrest sa isa sa mga napatay na suspek sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang mga suspek na sina Archie Juco alyas “RJ”, at isang alyas Macmac dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, sugatan at nalapatan na ng lunas sa Chinese Gene­ral Hospital (CGH) sina PLt. Col John Guiagui, na tinamaan sa kamay; PMaj Emmark Dave Apostol, na tinamaan sa hita; PMaster Sgt. Julius Omolon at PCpl. Keith Paul Valdez na tinamaan ng bala sa katawan.

Batay sa ulat ni PMajor Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng gabi sa 2648 Pinoy St. Brgy. 145, Zone 12, Balut, Tondo.

Nauna rito, tinungo ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), District Intelligence and Operation Unit, Special Weapon and Tactics at Police Station 1, ang bahay ni Juco para isilbi sana ang arrest warrant na inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Cirile Maduro Foja, ng Branch 6, na may petsang Marso 18, 2024 para sa kasong murder.

Nakita naman umano ng nobya ni Juco, ang pagdating ng mga pulis kaya kaagad itong nagtatakbo sa bahay at isinara ang pintuan at inalarma si Juco para tumakas kasama si Macmac.

Kaagad namang humabol ang mga pulis sa mga suspek ngunit sinalubong sila ng putok ng baril, kaya’t napilitan silang gumanti ng putok. Hinagisan pa umano ni Juco ng granada ang mga pulis ngunit sa kabutihang palad ay hindi ito pumutok.

Malaunan ay napuruhan ng mga pulis sina Juco at Macmac ngunit apat naman sa kanila ang tinamaan din ng bala.

Inaresto naman ng mga pulis ang nobya ni Juco dahil sa tangkang paghadlang sa pag-aresto.

Ayon sa mga pulis, si Juco ay sangkot sa ilang kaso ng pagpatay sa Maynila, gayundin sa carnapping, illegal drugs at gun-for-hire.

Mayroon din umano siyang mga nakabinbing warrant of arrest sa iba’t bang kaso.

Kaugnay nito, agad binigyan ng Medalya ng Kagitingan nina NCRPO director PBrig. Gen Jose Melencio Nartatez Jr., MPD Director PBrig. Gen. Tomas Arnold Ibay at Interior Secretary Benhur Abalos ang mga nasugatang pulis dahil sa ipinakitang kabayanihan.

ALCANTARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with