Hindi lang motorsiklo: 4 wheel vehicles daraan sa checkpoints – PNP

MANILA, Philippines — Hindi lamang mga motorsiklo ang daraan sa checkpoints kundi maging ang mga 4-wheeled vehicles.
Ito naman ang kautusan ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga pulis na nagsasagawa ng checkpoints sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Marbil, ibabalik nila ang sistema na maging ang mga 4 wheeled na sasakyan ay dapat na dumaan sa mga checkpoints at Oplan Sita.
Nagkaroon lamang ng limitasyon sa mga motorsiklo dahil na rin sa mga insidente ng riding-in-tandem.
Binigyan diin ni Marbil na maging ang mga kriminal at sindikato ay gumagamit din ng 4-wheeled vehicles at kadalasang may mga back-up na motorsiklo.
Nababahala lamang si Marbil sa posibleng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan habang dumaraan sa checkpoints.
Gayunman sinabi ni Marbil na naglabas na siya ng kautusan para sa mas maayos na checkpoints sa mga sasakyan at maiwasan ang diskriminasyon sa mga motorsiklo.
- Latest
















