^

Metro

‘Mukbang’ delikado – DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Mukbang’ delikado – DOH

Sa pagkamatay ng content creator

MANILA, Philippines — Nagpaala ang isang kilalang cardiologist at health reform advocate na si Dr. Tony Leachon sa publiko at sa ilang  content creator/vlogger na mag-ingat sa ­sobrang pagkain ng karne o red meat na maaring maging sanhi ng stroke o heart attack.

“Kung kakain, dapat kalahati lang ng plato ang may kaning ka­sing laki ng kamao at maliit na serving ng karne,” payo niya. “Almost half of the plate, ay gulay. tapos prutas., ani Leachon.

Ang paalala ni Leachon ay kasunod ng pagkamatay ng isang content creator dahil sa  namatay  sa brain stroke ng dahil sa mga kinakain.

Nabatid Hunyo 14, 2024, nang gumawa ng  vlog si Dongz Apatan na nilalantakan ang mga pritong manok sa kanyang ‘mukbang content’  nang atakehin at isugod sa pagamutan.

Sumailalim umano sa x-ray, laboratory, at CT scan kung saan  natukoy  na nagkaroon ng blood clots sa utak, na dapat ay dadalhin pa sa ospital sa Cagayan De Oro para operahan subalit binawian na ng buhay kinabukasan, Hunyo 15.

“Ibig sabihin, tumaas ang blood pressure niya, pumutok ‘yung ugat sa brain niya. So, ang kinamatay niya, eh, hemorrhagic stroke,” ani Leachon.

Ayon kay Leachon, posibleng may kinalaman ang kinakain at kung gaano ito kadalas o karami na kinakain sa nangyari, na maaari ring sa iba.

Paalala niya, lahat ng sobra ay masama sa katawan kaya dapat maging maingat sa kinakain at mas mabuti kainin ang isda at manok kaysa red meat o karne.

TONY LEACHON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with