^

Metro

Negosyante na ‘tulak’ ng ecstasy, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Negosyante na �tulak� ng ecstasy, timbog
Kinilala ang suspek bilang si Jade Christian Regalario alyas “Jade” ng Brgy. San Isidro, Cainta Rizal. Batay sa report, ikinasa ng NCRPO-SOU sa pamumuno ni PLt. Michael Maraggun ang buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon sa kanilang tipster na si Regalario ay nasa area at nagsasagawa ng kanyang kalakal.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nasakote ang sinasabing notor­yus na “tulak” ng ecstasy at umano’y organizer ng malalaswang “sex orgy sessions” sa isang buy-bust operation na ikinasa ng National Capital Region Police Office, Special Operations Unit (NCRPO-SOU) nitong Miyerkules ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ang suspek bilang si Jade Christian Regalario alyas “Jade” ng Brgy. San Isidro, Cainta Rizal. Batay sa report, ikinasa ng NCRPO-SOU sa pamumuno ni PLt. Michael Maraggun ang buy-bust operation matapos makatanggap ng impormasyon sa kanilang tipster na si Regalario ay nasa area at nagsasagawa ng kanyang kalakal.

Nahuli si Regalario bandang alas-7:40 ng gabi nitong Hunyo 19, sa parking area ng Quantum Building sa Barangay Ugong, Pasig City matapos magbenta ng halagang P1,000 na ecstasy tablets.

Isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 25 “pinky tablets capsule” ng ecstasy ang nakuha kay Regalario.

Ayon sa NCRPO-SOU, kanila rin nakalap sa tipster na si Regalario ay tulak din ng cocaine at kilalang organi­zer ng sex orgy sessions sa kanyang mga kliyente na karamihan ay nasa showbiz industry.

Nahaharap si Regalario sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o’ ang Comprehensive Dange­rous Drug Act.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with