Rotary International-District 3810 ‘Awards and Recognition 2024’ idaraos
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Rotary Club of Malate Prime (RCMP) na idaraos ang taunang “Awards and Recognition” ng Rotary International-District 3810 sa Hotel Sofitel sa may CCP Complex, Pasay City sa darating na Hunyo 15.
Ayon kay Hope Creating President (HCP) Daisy Calara-Valdez ng RCMP, ang kanyang rotary club ang magsisilbing host para sa gaganaping Rotary District 3810 Awards and Recognition 2024.
Ang pagbibigay parangal sa mga Rotarians ay pamumunuan ni Rotary District 3810 Governor Lilian “Lai” H. De La Cruz na pasisimulan ang registration at programa ng alas-4 ng hapon sa Luzon and Visayas Ballroom ng Sofitel Philippine Plaza na inaasahang dadaluhan ng may 400 Rotarians mula sa kabuuang 115 Rotary Clubs ng distrito.
Ayon naman kay RCMP Past President Rommel Allan Roxas, chairman ng Awards and Recognition Committee, kabilang sa mga major awards na igagawad ay ang overall/most outstanding club, overall/most outstanding club president, outstanding club on service projects, membership at TRF (The Rotary Foundation), at iba pa.
Ito ay bilang pagkilala sa pagsisikap ng mga Rotary Clubs at Rotarians na makamit ang Governor’s 12 point challenge para sa pagseserbisyo sa publiko lalo na sa mga kapuspalad.
Maging ang mga district officers na nagbigay ng kontribusyon mula sa kani-kanilang larangan ay bibigyan din ng parangal.
Sa nasabing programa na may temang“Simply the Best” HOPE filled year of Service”, inaasahan din na maglalagay sa venue ng mga booths na may mga products display na maaaring mabili bilang souvenir sa okasyon.
Isa rin na tampok sa awards night ay ang pagpili ng “Male and Female Star of the Night”.
Ang termino para sa Rotary Year 2023-2024 na may Rotary Theme na “Create Hope in the World” ay magtatapos na sa Hunyo 30, 2024.
- Latest