^

Metro

Higit 25K na driver at operator lalahok 3 araw na transport strike - Manibela

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 25,000 drivers at operators ng mga pampasaherong jeep ang nagpahayag ng kanilang intensiyon na makiisa sa tatlong araw na transport protest ng grupong Manibela simula sa Hunyo 10 hanggang Hunyo 12.

Ayon kay Manibela national presidente Mar Valbuena, marami nang PUV operators at drivers ang handang sumama sa kanilang pagkilos upang iparating sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa panghuhuli mga unconsolidated passenger vehicles.

Anya hindi pa dapat nanghuhuli ng unconsolidated vehicles ang mga traffic enforcers hangga’t may usapan ang Kamara at LTFRB na huwag munang hulihin ang mga unconsolidated vehicles .

Binigyan-diin ni Valbuena na kailangang munang mapatunayan na ang 80 porsiyento ng mga PUVs na sinasabing nag-consolidate ay kayang serbisyuhan ang malaking bilang ng mga commu­ters partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni Valbuena na magsasagawa rin sila ng pagkilos sa gusali ng MMDA bilang bahagi ng kanilang pagkondena sa paghuli sa mga unconsolidated vehicles.

Ang consolidadtion ng mga pampasaherong sasakyan ay unang hakbang ng PUV Modernization. Sa ilalim nito ang mga 15 years old at pababa na mga passenger jeep ay aalisin na sa kalsada at papalitan ng mga modernized na pampasaherong sasakyan.

vuukle comment

RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with