^

Metro

Pagsasanay sa BuCor pinaigting, ‘7K program’ ipatutupad

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipakikilala ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga bagong training approaches sa pagsisikap na ma-institutionalize at palakasin ang pamamahala ng pagsasanay para sa mga Corrections Officers at trainees sa lahat ng Corrections National Trai­ning Institutes (CNTI) sa buong bansa.

Tinatawag na 7K-training approaches at management agenda (TAMA) program ang ipatutupad sa layuning isulong ang well-programmed na pagsasanay upang bumuo ng globally competent personnel na maging pinuno sa hinaharap.

Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang 7K program ay nakapokus sa value formation o  Kaugalian; Kaalaman; Kasanayan; Katatagan; Katarungan; Katapangan; at Karangalan.

“This is what we want to inculcate in our new generation of Corrections Officers, to give importance to value formation, kasi kahit anong talino mo, kahit anong galing mo kung wala kang values, lahat ng yan balewala, kaya dapat yan ang pag­yamanin ng rank and file sa bureau,” ani Catapang.

Dagdag pa ni Catapang, nakita niya ang pagbabago sa ugali ng mga tauhan ng BuCor. Kailangan nilang sumunod sa linya o kung hindi ay matatanggal sila sa serbisyo dahil sa pagpapabaya sa kanilang mga tungkulin, at idinagdag na hindi nagkukunsinti ng mapang-abusong tauhan.

Ayon kay Catapang, itinalaga niya si CDR Dalmacio Caringal bilang direktor ng Directorate for Personnel Education and Training Service.

BUCOR

TAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with