P85 milyong droga nasabat ng NCRPO sa 2-days ops
MANILA, Philippines — Mahigit P85-milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa dalawang araw nilang anti-illegal drugs operation.
Ayon kay NCRPO chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr., nitong Mayo 16 at 17 nasa 51 drug personalities ang kanilang naaresto sa 31 police operations.
Kabilang sa P85,882,256 halaga ng iligal na droga na nasamsam ang 12,626.17 gramo ng hinihinalang shabu at 165 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act.
Nagbabala naman si Nartatez sa mga ‘tulak’ na hindi sila titigil sa anti-illegal drug operation at susuyurin ang Metro Manila hanggang matukoy ang supplier o pinanggagalingan.
- Latest