^

Metro

19 baril ni Quiboloy, babawiin na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
19 baril ni Quiboloy, babawiin na
Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.
STAR/File

Pirma na lang ng PNP chief

MANILA, Philippines — Pirma na lamang ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil ang hinihintay para sa pagbawi ng lisensya ng mga baril na pagmamay-ari ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, kasunod ito ng rekomendasyon ang Firearms and Explosives Office (FEO) na bawiin ang “license to own and possess firearms” ni Quiboloy. Nasa 19 na baril ang nakare­histro kay Quiboloy.

Bukod dito, may isa pa sa co-accused niya na nagmamay-ari ng isang baril ang inirekomendang bawian din ang lisensya.

Ipinaliwanag ni Fajardo na nakasaad sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunitions Act ang naging basehan ng pagkansela ng LTOPF ng puganteng pastor.

Nauna nang sinabi ni Marbil na inaaral ng kanyang opisina ang pirmadong resolusyon ng FEO.

Samantala, tumang­gi ang PNP na tukuyin kung sino ang iba pang mga indibidwal na kasamang inirekomendang i-revoke ang LTOPF habang hindi rin malinaw kung ano ang pagkakakilanlan ng tinukoy na “Ms. Canada” na kasama rin sa binawian ng lisensya.

Gayunpaman, nili­naw ng PNP hindi pa rin maituturing na “armed and dangerous” ang naturang puganteng pastor dahil wala naman aniya itong record na nasangkot anumang karahasan.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with