^

Metro

Deployment ng Pinoy seamen patungong Red Sea, Gulf of Aden bawal na – DMW

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinagbawal na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment at pagsakay ng mga Pinoy seafarers sa mga passenger o cruise ships na maglalayag sa Red Sea at sa Gulf of Aden.

Ito ay batay sa Department Order No. 02, series of 2024 na inilabas ng DMW kahapon at pirmado ni Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac.

Nabatid na ginawa ng DMW ang naturang kautusan kasunod ng panibagong pag-amyenda ng International Transport Workers’ Federation at International Bargaining Forum sa listahan ng mga “High-Risk Areas” at “War-like Zones”, kung saan isinama na ang Red Sea at ang Gulf of Aden.

Bukod rito, nagkasundo na rin umano ang DMW at Philippine Maritime Industry Tripartite Council (MITC) na magpatupad ng mas istriktong protocol upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy seafarers na dumaraan sa mga naturang lugar na karaniwang nagaganap ang pangho-hostage ng mga pirata.

Nakasaad rin sa ilalim ng naturang kautusan na ang mga licensed manning agencies ay kinakailangan nang lumagda ng affirmation letter na nagbibigay ng garantiya na ang lahat ng kanilang barko ay hindi daraan sa Red Sea o sa Gulf of Aden.

Matatandaang noong Nobyembre 2023 lamang, binihag ng mga Houthi rebels ang MV Galaxy Leader ship na may lulang 17 Filipino seafarers sa Red Sea at nananatili pa sa kanilang kustodiya hanggang sa ngayon.

Samantala, ang MV True Confidence na may sakay ring 13 Pinoy ay inatake ng Houthi-missile sa Red Sea kamakailan, na ikinasawi ng dalawang tripulanteng Pinoy at isang Vietnamese.

vuukle comment

DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with