^

Metro

‘Kilos Kyusi Store’ binuksan ng Quezon City-LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�Kilos Kyusi Store� binuksan ng Quezon City-LGU
Bilang pag-obserba sa Earth Day, inilunsad kahapon nina QC Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang “Kilos Kyusi” store kung saan mabibili ang mga preloved items ng per kilo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas sa publiko ng Kilos Kyusi Store para sa layong  maghatid ng mga Pre-loved goods sa mamamayan na may murang halaga lamang.

Ang mga produkto ng Kilos Kyusi Store ay tulad ng  damit, sapatos, bags, at iba pang accesories sa halagang P100 hanggang P300 lamang na makikita  sa lagoon area ng  QC Hall  compound mula alas-8 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Ayon kay Mayor Belmonte, ang malilikom na pondo mula sa proyekto ay ilalaan sa learning recovery program ng QC-LGU para sa mga kabataang hirap magbasa, magsulat, at magbilang.

Aniya, sa  tulong ng proyekto, masosolusyunan ang textile pollution o textile waste at matutulungang maresolba ang problema sa edukasyon ng mga ordinaryong Pilipino.

Hinikayat ni Belmonte ang QCitizens na makiisa at suportahan ang mga programa at proyekto upang mas lalo pang mapalago ang ekonomiya ng lungsod.

Kasama ni Belmonte sa pagbubukas ng Kilos Kyusi Store si QC Vice Mayor Guian Sotto at mga lokal na opisyal ng lungsod.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with