^

Metro

LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay para sa mga ‘naytay’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-2 at MRT-3, may libreng sakay para sa mga �naytay�
Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Solo Parent’s Day.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil pagkakalooban ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay ang mga ‘naytay’ o solo parents ngayong Sabado, Abril 20.

Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Solo Parent’s Day.

Sa abiso ng LRT-2 at ng MRT-3, ipapatupad ang naturang libreng sakay sa peak hours ng operasyon ng mga natu­rang linya, mula 7:00AM hanggang 9:00AM, at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing araw.

Upang mai-avail ang libreng sakay, kinakailangan lamang ng mga ‘naytay’ na magpakita ng balidong solo parent’s ID o Solo Parent Certificate of Eligibility sa stations personnel.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang libreng sakay sa LRT-2 ay para makapagbigay ng inspirasyon sa mga solo parent na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya.

“Tayo po sa LRTA, batid natin ‘yung bigat ng responsibilidad ng mga solo parent.  Kaya naman sa pagdiriwang na ito, sana maiparamdam ng LRTA ang aming pag­hanga at pasasalamat sa inyo sa pamamagitan po ng handog naming libreng sakay,” ani LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera.

“Saludo po ang MRT-3 sa lahat ng solo pa­rents na ubos-lakas na nagsasakripisyo upang maitaguyod ang kanilang mga anak. Hangad po namin na sa aming libreng sakay ay mapasaya namin sila sa kanilang espesyal na araw. Nawa po ay maipadama namin sa lahat ng solo parents ang ­aming paghanga at pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo,” saad ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.

vuukle comment

LRT

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with