^

Metro

Lady SUV driver pumasok sa bus lane

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lady SUV driver pumasok sa bus lane
Nabatid na nagpakila ang babaeng driver ng SUV na pamangkin siya ni Major General Reyes kaya sinubukan ng mga mamamahayag na kunin ang panig nito kung totoo ito.
Ernie Peñaredondo

Nagpakilalang pamangkin ng heneral

MANILA, Philippines — Hindi pa nagbibigay ng anumang komento si Philippine National Police-Directorate for Plans (PNP-DP) Director Police Major General Mario Reyes hinggil sa paggamit sa kanyang pangalan ng isang babae na sinita at hinarang dahil sa pagpasok sa busway kamakalawa ng gabi sa Makati.

Nabatid na nagpakila ang babaeng driver ng SUV na pamangkin siya ni Major General Reyes kaya sinubukan ng mga mamamahayag na kunin ang panig nito kung totoo ito.

Nag-viral na sa social media ang video kung saan nagpakilala pa ang babae na miyembro ng Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at kabilang sa Balikatan ­Exercise.

Base sa Facebook post ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT), makikita sa video ang isang babae na nakasakay ng SUV na lumabag sa pagpasok sa bus lane. Tumanggi ang babae na isuko ang kanyang lisensya matapos na magpakilalang pamangkin ni Major General Mario Reyes at isa umano siyang major ng ISAFP, at kalaunan ay pinasibat na palayo ang kanyang sasakyan sa mga walang magawang enforcers.

Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, hindi nila kukunstintihin ang anumang pagkilos ng kanilang miyembro na labag sa batas at nakakasama sa imahe ng organisas­yon.

vuukle comment

PNP

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with