^

Metro

14 BI officials inireklamo ng kidnapping, kotong ng 20 Indian nationals

Ludy Bermudo, Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
14 BI officials inireklamo ng kidnapping, kotong ng 20 Indian nationals
Nasa 20 Indian nationals ang nagharap ng reklamo sa Pasay Prosecutor Office laban sa may 13 hanggang 14 na immigration officials na umano’y kumidnap, nagpiit at nangotong sa kanila.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Sumugod sa Pasay Prosecutors Office ang nasa higit 20 miyembro ng Indian community mula sa Iloilo at Antique kasama ang kanilang abogado para magsampa ng reklamo laban sa ilang official ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay Atty. Boy Magpantay kasong kidnapping at extortion ang kanilang isinampa laban sa 13 hanggang 14 na immigration officer.

Kasama rin sa nagtungo sa Pasay Pro­secutors Office si President Boy Evangelista ng VACC upang suportahan ang mga complainants sa kanilang reklamo laban sa mga naturang immigration official.

Sa kwento ni Atty. Magpantay ikinulong ang mga naturang biktima ng higit isang linggo kahit kumpleto umano sila sa mga dokumento.

Dagdag pa nito nagkaroon diumano ng bargaining sa hinihingi umanong pera bawat ulo, mula isang milyon ay bumaba ito sa P350,000 bawat isa.

Kinumpima ni Atty. Boy Magpantay na ipapaabot din nila ang kanilang ­reklamo sa Ombudsman upang mabigyan ng hustisya ang kanyang mga kliyente.

Emotional naman ang ilang dayuhan dahil sa trumang sinapit nila sa kamay ng ilang BI official.

Samantala, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na hindi matatakot ang ahensya sa mga reklamo laban sa kanila dahil sa mga lehitimong pag-aresto na kanilang ginawa.

Ibinunyag ni Tansingco na ang pag-aresto laban sa 14 na Indian ay resulta ng mga reklamo laban sa kanila dahil sa umano’y pagsali sa ilegal na negosyong pagpapautang o ‘5-6’.

Ibinahagi ng BI ang kopya ng sulat na kanilang natanggap mula sa Antique provincial board, na nag-uulat ng pagtaas ng bilang ng mga Indian national sa kanilang lugar na sangkot sa 5-6, gayundin ang kidnapping at drug trafficking.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with