^

Metro

Pedicab driver patay sa ‘hit and run’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay sa pagamutan ang isang 56-anyos na pedicab driver nang masagasaan at iwan ng isang ‘di pa kilalang driver ng isang SUV, sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Ang biktimang kinilalang si Arnelio Ibañez Sombilon, residente ng Parola Area B, Gate 13, Tondo, ay idineklarang dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ni Dr. Ina Maria Ursula G Serrano, alas-6:20 ng gabi ng Abril 5, 2024.

Sa salaysay ng pamangkin na si Maricris Sombilon, dakong alas-4:20 ng hapon ng araw na iyon nang makita niya na nakahiga na ang biktima sa eastbound lane ng Yuseco St. corner katamanan.

Sa kuha naman ng CCTV ng Barangay 222 Zone 21, nakitang umupo sa harap ng nakaparadang Montero na SUV ang biktima at inayos ang mga dala nitong kalakal nang biglang umabante ang sasakyan.

Nang bumaba ang driver ay pumara ito ng tricycle at ipinasakay doon ang biktima, at sa CCTV ay nakita rin na nawala na ang SUV.

Nagsasagawa pa ng backtracking ang pulisya para matunton ang direksyon na tinungo ng Montero para sa ikadarakip ng driver.

Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang tumakas na driver.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with