^

Metro

Bar girl, natagpuang patay sa loob ng repair shop sa Makati

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bar girl, natagpuang patay sa loob ng repair shop sa Makati
Ayon sa ulat, nakilala ang suspect sa alyas Jhadan, 30, tubong GeneraL Santos City ang sinasabing suspect sa pagpatay sa 27-anyos na biktima.
STAR/File

MANILA, Philippines —  Isang babaeng umano’y nagtatrabaho sa isang restobar ang natagpuang patay sa loob ng isang radiator repair shop sa Makati City, kahapon.

Ayon sa ulat, nakilala ang suspect sa alyas Jhadan, 30, tubong GeneraL Santos City ang sinasabing suspect sa pagpatay sa 27-anyos na biktima.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubre ng may-ari ng radiator shop na nasa Evangelista St., Barangay Bangkal, Makati.

Ayon sa isang trabahador sa  shop, gigisingin niya pa lang ang suspek na si Jhadan na stay-in din sa shop nang makita niya sa loob ng barracks ang bangkay ng biktima. Ipinaalam niya ito sa may-ari ng shop.

Sinabi pa nito na dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa  nang makita niya ang pagpasok ng babae kasama ng suspek sa loob ng barracks. Nang tingnan ito sa CCTV.

Dakong  alas-7:15 ng umaga  ay nakita rin sa CCTV na nagmamadaling umalis ang suspect.

Sa pagresponde ng mga pulis, nakita ang biktima na may nakapulupot na kable ng mikropono sa leeg at may  saksak  ng ice pick sa katawan.

Patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation laban sa suspect

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with