^

Metro

6 na biktima ng human trafficking sa Myanmar naiuwi na sa bansa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakauwi na sa bansa ang anim na biktima ng human trafficking na na-recruit para magtrabaho sa mga scam hub sa Myanmar, ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado.

Dumating ang ang bagong batch ng repatriates na  kinabibilangan ng apat na lalaki at dalawang babae.

Noong nakalipas na taon nang i-recruit ang anim at nakaalis sa bansa bilang mga turista, at pagdating sa Myanmar ay nakaranas ng mga pang-aabusong pisikal, psychological at maliit o hindi pinapasahod.

“Stop risking your life for these too-good-to-be-true job offers. Many have already suffered. Do not let yourself be the next victim,” sa isang pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Payo ni Tansingco, talamak na sa Southeast Asia ang mga gang at scammers kaya hindi dapat na hindi maengganyo sa mga nagre-recruit sa online, at aalis sa bansa bilang turista.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with