^

Metro

Maangas na parak, pinakulong ng taxi driver

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang pulis matapos na ireklamo ng isang taxi driver na kanyang pinagmumura at pinagbantaan na papatayin kamakalawa sa Quezon City.

Mismong kanyang mga kabaro ang umaresto kay Pat. Erl-Louie Cauilan Alcaraz, 31, nakatalaga sa Malabon City Police Station at  residente ng  No. 102C South Zinnia Tower, Brgy Katipunan, Quezon City.

Sa pahayag ng biktimang si Uysses Pitallo Vasquez, 56, kay PStaff Sgt. Christian Loyola ng Quezon City Police District (QCPD) nangyari ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga nitong Sabado sa EDSA Northbound, Brgy. Bahay Toro, QC.

Minamaneho ni Vasquez ang  kanyang taxi patungong Monumento nang bigla umanong harangin ng pulis na si Alcaraz na sakay ng  motorsiklo.

Dito ay sinabihan siya ng pulis ng “P....mo! papatayin mo ba ako? sabay sipa at hampas sa kanyang  taxi.

Ipinakita rin umano ng pulis sa biktima kanyang posas sabay bitaw ng salitang “Papatayin Kita”.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis ng QCPD Police Station 15 na nagpapatrolya sa lugar at dinakip ang suspek.

vuukle comment

KALABOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with