^

Metro

Pinay ‘mail order bride’ pa-China, nasagip

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Pinay �mail order bride� pa-China, nasagip
File photo shows passengers waiting in line at the immigration area as the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 services more international flight departures and arrivals.
The STAR / Rudy Santos

MANILA, Philippines — Isang biktima ng “mail order bride” syndicate na bumibiktima ng mga Pinay na ipinadadala sa China ang nasagip ng Bureau of Immigration (BI) officials sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). 

Sa ulat ng Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) na naharang ang babaeng pasahero sa NAIA Terminal 3 bago siya makasakay ng eroplanong China Southern Airlines papuntang Guangzhou, China.

Ayon sa I-PROBES, hindi binanggit ang pagkakakilanlan ng Pinay dahil sa pagbabawal sa Anti-trafficking Law, na sasama siya sa kanyang asawa sa China matapos umano silang ikasal.

Nagprisinta umano siya ng marriage certificate bilang patunay ng civil wedding ng mag-asawa na naganap umano sa city hall ng Pasig noong Enero.

“As per marriage certificate, the wedding was solemnized by a female preacher but in a wedding picture she presented that solemnizing officer seems to be a man,” sabi ng I-PROBES.

Dahil sa napakara­ming inconsistencies na itinuro sa kanya, inamin niya na peke ang kasal, at ito ay inayos ng isang fixer na nasa negosyo ng pangangalap ng mga Pinay na handang ma­ging nobya ng mga Chinese national.

Inamin din ng biktima na bago ang biyahe ng kanyang “asawa” sa Pilipinas ay hindi pa sila nagkikita at hindi rin sila pumasok sa long distance relationship bilang magkasintahan. Pinangakuan din siya ng kanyang recruiter na tatanggap siya ng P.5-milyon pagdating niya sa China kapalit ng pagpapakasal sa dayuhang asawa.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with